(it's been 2months, di man lang ba sila nakokonsensya?) tanong ni Annie sa sarili habang pinagmamasdan ang best friend niya na masayang masaya na katext si Eric.
"labas lang ako, i need a breather." sabi ni Annie palabas ng kwarto ni Eunice.
"buy me an ice cream please. love you." sigaw ni Eunice sa loob ng sumarado yung pinto.
"haaah~" buntong hininga ni Annie. alam ni Eunice na hindi siya sangayon sa ginagawa niya kay Jake at alam ni Eunice na ayaw ni Annie kay Eric. pero sino nga ba siya? hamak ng best friend lang niya, na ayaw siyang mapahamak kase concern siya.
naglalakad si Annie pa mini mart, 24hr store na malapit kina Eunice walking distance. pag pasok niya agad na bumulantang sakanya yung isang kanta. at habang bumibili siya ng mga kakainin nilang snack mahahalata mong malalim ang iniisip niya, kita naman sa dami ng beer na nilagay niya sa basket.
"problemado ka girl?" sabi ni baks, yung beky na bantay sa store friendly kaya dito lagi sila bumibili ng mga late night snacks.
"ha? obvious ba sakin?" tanong ni Annie.
"ay day! hindi, halata sa beer na binili mo. oh pang dalawang case ang peg. sino may problema? ikaw o si Eunice?" pagchichika ni baks.
"hah! problema ko si Eunice! char! joke lang feel ko lang today" pabiro niyang sagot.
----
pagbalik ko sa kwarto ni Eunice, sa may pinto ng kwarto naririnig ko siya na may kausap, si Eric. hindi ako pumasok hinintay ko silang matapos.
nung natapos na silang maglandian sa phone pumasok na ko.
"ice cream ko?" pacute niyang tanong, sarap batukan.
"anong ice cream mo? may pera kabang binigay? wala naman diba? ano ka sinuswerte? di ka din nag bilin." inis na sabi ko.
"luh~ di mo ko na dinig? teka bat ka naiinis?" tanong niya. hala ngayon ko lang nalaman na medyo airhead siya.
"di ako naiinis. moody lang ako today. wag ngayon. tska di kita na dinig.(dami kong biniling beer di na kasya pera ko)." explained ko sakanya na medjo tumataas yung pitch ko.
"bat andaming beer? problemado ka? do you need someone to talk to?" pagtataka niya at concerned pa. di niya alam siya problema ko.
"wala, in the mood lang ako. akin lahat yan." pagdadamot ko. bat ba? feel ko mag walwal eh.
"damot. ako din, dami naman nyan eh. mga dalawa lang. di din ako pwede uminom ng madami kase mag kikita kami ng maaga ni jake." halata mo sa tono ng pananalita niya na ayaw niya makita si jake. anong nagawa ni jake para ganitohin mo siya?
"no, isa lang." meaning pag humirit kapa baka wala kang inumin.
di na din siya humirit kase nag bukas na ko ng isang can na parang wala kong kasama mag inom. sa kada inom ko, unti unti ko din pinagtatanto kung ano talaga na raramdaman ko sa ngyayari samin ngayon. kay Jake, kay Eunice, si Eric, Ako. ang gulo, ang hirap. pero akala yata ni Eunice di ko napapansin na nakaka tatlong can ng beer na siya. tinaasan ko lang siya ng kilay habang iniinom ung beer niya at naka ngiting yung mga mata niyang nakatingin sakin.
"pantatlo na yan." simpleng comment ko ko sakanya.
"hehe" painosenteng tawa niya habang nakamot sa ulo.
habang tumatagal nakikita kong medjo tipsy na siya so pinigilan ko na siya. pinigilan ko siya kase gusto ko matuwid pa yung pagiisip niya habang kinakausap ko siya.
"Eun, bat mo nagawa kay Jake yun?" tanong ko kay Eunice
"Ann, please wag mo kong tanongin, kase di ko din alam kung bakit." pagamin niya.
"mahal mo pa ba?" tanong ko tapos sabay inom
"di ko alam." mahinang sagot niya sakin, ramdam ko na confused siya.
"si Eric, mahal mo?" i coldly asked
"no, pero nag eenjoy ako?" patanong niyang sagot. so di niya din alam. letcheng bata toh so ano yun? nakikipag laro ka ng apoy sa bahay bahayan ganon? nak ng tokwa.
"alam mo naman kung san ang opinion ko sa sitwasyon niyo. Eun, sana hindi ka mag sisi." wala naman ako magagawa kung ayaw niya kong pakinggan eh. so uminom nalang ako. hanggang sa kinabukasan, nagising ako na wala na si Eunice sa bahay nila, siguro nag kita na sila ni jake.
"sorry Eunice" habang naka tingin sa labas ng bintana nag iisip. maybe, maybe it's time to do what I should've done a long time ago?