LIA
Pabagsak kong isinara ang pinto sa silid na iyon at binagtas ang kahabaan ng pasilyo. Tahimik lamang ang pasilyong aking tinatahak, ngunit kabaliktaran iyon sa silid na bago ko pa lamang nilisan. Kahit ilang liko at baba na sa ilang hagdan ang aking ginawa ay dinig na dinig ko pa rin ang malutong na pagmumura at pagdadabog na galing sa nilalang na kasalukuyang nananatili sa isa sa mga silid dito sa bahay na pagmamay - ari ko.
" How dare that fuck faced lunatic bluffer order me in my own house?!! Urghh!!! "
Napailing na lamang ako dahil sa mga wala ng kwentang salitang na lumalabas sa kanyang bibig. Ilang hakbang na lamang at mararating ko na ang palapag ng kinaroroonan ng silid na aking pakay. Mula sa aking kinatatayuan ay dinig na dinig ko ang bawat kaluskos, hininga at pagtatatalo ng mga nilalang na nakapaloob sa silid na iyon. Napantig ang aking tenga sa mga salitang naririnig galing kay Alejandro. Sa isang iglap lang ay bumukas ng marahas ang ang dalawang pinto na kinasisidlan ng lamang pinuno ng samahang ito. Gulat ang kanilang mga mukha sa hindi inaasahan at biglaan kong pagdating. Lalong lalo na si Alejandro. Agad na nagsiyukuan ang apat, maliban na lamang kay Alejandro na sinalubong ang aking mga titig. Bakas sa kanyang mukha ang hinanakit. Ilang beses muna siya lumunok, bago siya utal na nagsalita.
" B - bakit Lia? "
Isang tanong, na naglalaman ng napakaraming kasagutan.
Ipinaling ko ang aking ulo pakanan, isa - isa ko silang pinasadahan ng tingin at naglakad ng mas mabagal sa normal kong paglalakad at tinungo ang mahabang mesa, na kinasasadlakan ng limang pinuno. Pinakiramdaman ko ang mga kasama ko sa silid na ito. Pagtataka at pagkakagulumihanan ang natatanging emosyong na mararamdaman mo sa kanilang lahat. Hinila ko ang pinakamataas na upuang nasa sentro ng mahabang mesa at marahan akong umupo rito.
" Dahil siya ang natatanging dahilan kung bakit tayo lumalaban. Kaya bakit mo kinukwestiyon ang isang bagay na hindi naman kwestunable, Alejandro? "
Sagot ko sa kanyang katanungan sa akin. Agad na nag - angat ng tingin sina Zadrach, Matthias, Lucas at Abednego.
" Lia, alam kong nangulila ka ng mahabang panahon sa kanya. Pero tama ba na agad mo siyang papasukin at tanggaping muli? Sampung taon Lia. Sampung taon siyang nawala. "
Marahang turan ni Matthias sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin at kinukwestiyon ang ibig sabihin ng kanyang katanungan. Napangisi ako.
" Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, kaya mo bang iwanan ang kaisa - isang dahilan kung bakit ka pilit nabubuhay at lumalaban Matthias? "
Mapanginsulto kong tanong sa kanya.
" Hindi. "
Nakayuko niyang tugon sa akin.
" Kaya bakit ninyo kinukwestiyon ang isang bagay na hindi niyo lubos naiintindihan, lalo na kung hindi niyo mismo nararanasan? "
Tanong ko. Hindi lang para kay Matthias, kundi para sa kanilang lahat. Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa aming lahat. Bago ito muling binasag ni Matthias.
" Hindi kaya, isa ito sa mga pakulo ng mga Quicklnts' Lia? Isipin mo, nagawa nilang itago si Frodo ng isang dekada mula sa iyo, mula sa ating lahat nang hindi natin namamalayan. Paano kung ginawa nila ito upang pahirapan tayo, upang pahirapan ka Lia? Papaano kung ginagawa nila ito upang lituhin at baliwin tayo sa paghahanap ng sagot. Lalong lalo ka na Lia? "
Tanong ni Matthias sa akin. Isinandal ko ang aking likuran at ipinatong ang aking magkabilang siko sa mesa, at ipinagdikit ang mga daliri sa magkabila kong kamay.
" Pwedeng oo, pwede ring, hindi. "
Makahulugan kong sagot sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maalalang wala akong nakitang marka sa kanyang likuran. Naputol ang aking pagmumuni - muni nang pumainlang ang boses ni Zadrach sa buong silid.
" Remembered the experiments they conducted fifteen years ago? "
Tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
" It was said by Lucian himself, that cloning is possible. Paano kung ganoon ang ginawa ng Quicklnts'? Paano kung ang Lucian na kasama natin ngayon ay isa na lamang clone? "
Hindi ko akalaing maaapektuhan ako sa mga pinagsinasabi ni Zadrach. Pero kung naaalala niya ang bagay na ito, ibig sabihin into ay hindi tumala-
" Lia, I don't want to intervene. But, trusting him too much could be fatal... "
Saad ni Abednego sa akin. Tinitigan ko lamang siya nang muli siyang nagsalita.
" Alam kong matagal kang nangulilang makapiling siyang muli. But, don't hesitate to leave space for doubts. "
Seryoso niyang turan. Napatawa ako ng pagak sa aking isipan. Magsasalita na sana ako, pero naunahan ako ni Alejandro.
" Tama sila Lia. Remember that he came from that clan. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Lucian. "
Sinalubong niya matatalim kong tingin. At muli siyang nagsalita na puno ng walang kwentang salita.
" So please, don't trust him too much. Don't let your guards down. "
Naikuyum ko ang akong mga kamay sa pagpipigil ng bakit. 'Kalma Lia, andito siya sa pamamahay mo. Hindi ka pwedeng ginawa ng Kahit na among hakbang namakasama sa kanya.'
Huminga ako nang malalim, bago nagsalita nang marahan.
" Hindi siya isang clone. Siya pa rin ang lalaking matagal ko nang kinapapanabikan. "
Saad ko sa kanilang lahat. Nakita kong umiwas ng tingin sina Abednego, Matthias at Zadrach. Habang si Lucas ay wala pa ring imik at nakatuon pa rin ang mga mata sa akin. Habang si Alejandroay umiiling - iling ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtutol mula sa kanya.
" Pero, pano mo nasabi iyan Lia? Wala ka sa tabi niya sa loop ng Sampung taon. Meron nang nagbago Lia, at hindi natin alam kung ano na ang kaya niyang gawin sa iy- "
Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang nais sabihin at sa halip ay kinontra ang mga pinagsasabi niya.
" Walang nagbago. Siya pa rin ang lalaking minahal ko. Sampung taon man ang nakalipas, o lilipas pa. Wala siyang pinagbago. Nasa kanya pa rin ang marka at ramdam ko pa rin ang dugo ko sa kanya. "
May diin kong sabi sa kanya. Pero sadyang matigas ang bungo ni Alejandro at pilot pa rin akong kinokontra.
" What if he will hurt you again?... Lia.. I don't know what can I do to him this ti- "
Mabilis na nabalibag ang mahabang mesang kinadudulugan, kani - kanina lang. Dinig na dinig ko ang pagsinghap nilang lahat. Hawak ko sa kamay ko ang leeg ni Alejandro.
" Try laying a single filthy finger on him. Then, consider yourself dead. Mark my words. "
Sa isang iglap ay narating ko na ang unang palapag ng basement. Mula sa aking kinatatayuan at dinig na dinig ko ang mahinang paguusap ng dalawang nilalang.
" One of these days, we'll held her captive. "
Nang narinig ko ang boses nang nagsalita, ay parang sinaksak ng ilang milyong beses ang aking puso.
" It has been years Lucian. How come you are still too much confident about getting her again? "
Tanong nang kausap niya. Nagpakawala siya ng isang aroganteng tawa bago sumagot. Nang narinig ko ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.
" Loving too much is fatal, Hermano. It can be your life line and love can also be the reason for your death. And that's what Lias' case is. She will do everything for me. Will believe everything from me. She's whipped. I have her on her neck. That's what makes me confident. "
Napaupo ako sa sahig. Dahil tila ba nawala nang tuluyan ang lakas ko. Hindi ko napigilan ang luhang pumatak sa aking mga mata. Ipinikit ko ang aking mga mata at palihim na minura ang tadhana.
'Bakit kailangan kong masaktan ng ganito katindi? Kung ang nais ko lamang ay ang makaramdam nang kasiyahan.'
Pinahid ko ang aking mga lugs at tumayo na mula sa pagkakaupo.
'Tama ka, Lucian. Hawak mo ako sa leeg at kahit magkaroon man ako nang pagkakataong makawala. Hindi ko gagawin. Kahit masaktan man ako pa ulit - ulit. Mas pipiliin ko pa ring manatili. Kung sa ganitong paraan ay mararamdaman ko ang iyong pagmamamahal.'
************************
Egavas_Etrom