LIA
"You're going to pay for this!!! I'm going to kill you!!!"
Ang kaninang nakakalulang asul niyang mga mata ay agad na naging pula at lumabas ang kanyang matutulis na mga pangil.
Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis kong sinugatan ang kanyang kanang pulsuhan.
"Aaaahhhh… you're going to pay for this, woman!!!"
Mabilis pa sa isang segundo, hiniwa ko ang kanyang mukha gamit ang kutsilyo na nakuha ko mula sa kanya kanina. Napangisi ako dahil sa laki ng sugat na natamo niya. Malakas akong napatawa nang makita ko ang itsura ng mukha niya ngayon. Kung kanina ay perpekto ito, ngayon ay para na itong basahan ng dugo.
Ngunit agad ding nabura ang ngiti sa aking labi at naputol ang tawa nang makita kong mabilis na naghilom ang lahat ng sugat na aking idinulot. Siya naman ngayon ang natuwa sa reaksyong nakita niya sa akin. Napaatras ako nang humakbang siya patungo sa akin.
"Scared, aren't we? Didn't your mother ever tell you to be cautious with strangers?"
Napapalunok ako sa tuwing humahakbang siya palapit. 'Bakit nararamdaman ko siya rito?'
"Why don't you say something? You're scared of me?"
Napaatras ako muli nang masagap ng ilong ko ang kanyang amoy— ang amoy na sampung taon kong hinahanap-hanap.
Bigla akong natauhan nang maramdaman ko ang malamig na kamay na mahigpit na humawak sa aking balikat.
"Well, you really should be scared of me. Because I am the prince of the most powerful vampire in our race… and you are bound to be a slave—my slave."
Mabilis ang nangyari. Agad niya akong sinipa nang malakas na naging dahilan ng pagkawasak ng dingding na kanina lang ay sinasandalan ko. Napapikit ako nang mariin habang inaamoy ang alikabok mula sa wasak na pader. Sa kabila ng lahat, may kakaibang gaan sa pakiramdam.
"You're dead? Yeah… what should I expect? You're just one of the weakest vampires in our race. Shame... you're just meant to be my plasma prostitute."
Napantig ang tenga ko sa huling salitang iyon. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at pinagpag ang alikabok sa aking katawan. Kahit hindi ko siya tinitingnan, ramdam ko ang kaba sa kanya. Nagbalik ang ngisi sa aking labi nang makita ko ang reaksyon niya—nakaawang ang bibig, napapaatras sa bawat hakbang ko.
Iniangat ko ang isa kong daliri.
"Una sa lahat… hindi mo ako kauri."
*Crack.* Binali ko ang daliring iyon.
"Pangalawa… hinding-hindi mo ako magiging alipin. Hindi mo ako magiging alipin kailanman. Pangatlo… hindi kayo ang pinakamakapangyarihan sa lahi ng mga bampira."
Mabilis kong narating ang kinaroroonan niya.
"Teka, bakit walang pang-apat? Ako na lang ang magdaragdag..."
"Ako… ang... tatapos... sa sinasabi mong… pinakamalakas… na lahi."
Mabilis kong ginilitan ang kanyang leeg. Bumulwak ang masaganang dugo.
"At sisimulan ko sa'yo."
Pagkasabi ko niyon, hinablot ko siya at tuluyan ko nang kinagat ang leeg na ginilitan ko. Napapikit ako habang nilalasahan ang matamis niyang dugo. Nang makuha ko na ang gusto ko, itinulak ko siya palayo. Kasabay nito, natanggal ang dalawa niyang braso.
"Kayo nga talaga ang pinakamalakas na lahi..."
Ngayon, panahon na upang ipaalam sa lahi niyo na may mas malakas pa sa inyo—na kailangan niyong katakutan.
Napangisi ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Ibinaling ko ang atensyon ko sa nilalang na nakahandusay sa sahig. Nilapitan ko siya, inangat ang kanyang ulo, at mabilis ko itong piniga. Kumalat ang amoy ng kanyang dugo sa buong pasilyo.
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas na ako mula roon.
Hindi pa man ako nakararating sa reception area ng motel ay sinalubong na ako ng napakaraming tagabantay ng prinsipe na pinatay ko. Nakalabas ang kanilang mga pangil at mapupulang mata—mapanghimagsik.
"Kailangan ko pa talagang magpakita para lang mahanap niyo ako?"
Walang pasabing sumugod sila sa akin. Nagsiliparan ang mga kamao at sipa. Panay ilag lang ako sa simula—hanggang sa mabagot ako.
Mabilis kong sinalo ang sabay-sabay na mga kamao at pinagbabali ang mga buto ng lahat. Napuno ng sigawan ang pasilyo. Muli kong sinalo ang mga sipa—at pinagbabali rin ang mga binti nila.
Napangisi ako. Hindi ako nahirapan sa pag-ubos sa kanila. Ilan na lang ang natitirang buhay.
Sinalubong ko ang dalawang sumugod at mariing hinawakan ang kanilang mga leeg. Binitawan ko lamang ang mga ito nang tuluyang matanggal sa kanilang mga katawan.
Sunod kong hinarap ang tatlong may hawak na patalim. Mabilis kong ibinalibag ang dalawa at itinarak sa kanilang dibdib ang hawak nilang sandata. Nang masigurong wala na silang buhay, hinarap ko ang isa pa at inagaw ang dalawang patalim mula sa kanya.
Mabilis kong inihagis ang isa—ang nasa kaliwa kong kamay—papunta sa gitna ng kanyang noo. Hindi pa lumilipas ang tatlong segundo, bumagsak siya sa sahig. Patay. Dilat ang mapupulang mga mata.
Inilibot ko ang aking paningin. Wasak ang lahat ng gamit. At saanmang sulok, may mga bangkay na nakakalat.
Tnungo ko ang pintuan at lumabas. Ngunit natigilan ako.
Nakita ko ang isang pigura, isang metro lang ang layo—nakatalikod sa akin.
Ngunit agad naagaw muli ang atensyon ko nang may tumayong kampon ni *QuickInt*—iika-ika, dahil natanggal na ang isa niyang binti...