Cherreads

Chapter 7 - Six: Plans

HERMANO

Kasalukuyan akong nakaharap sa kapwa ko mga pinuno. Wala ni katiting na emosyon ang makikita sa kanilang mga mukha.

Nakakadismaya. Para bang walang nangyaring kahit ano ngayong araw na ito. Hindi ko maiwasang ipakita ang aking pagkabalisa sa mga kaharap ko ngayon. Katahimikan. Iyan ang namumutawi sa buong paligid.

"Anong hakbang ang gagawin natin ngayon?"

Hindi ko mapigilang ibato ang katanungang iyon—isang tanong na kanina pa naglalaro sa aking isipan. Naging dahilan ito upang silang lahat ay mapaangat ang tingin sa aking kinaroroonan. Wala mang bakas ng panghihinayang sa kanilang mga mukha, kapansin-pansin naman ang galit sa kanilang mga mata.

"Anong hakbang ang maibibigay mong suhestiyon, Hermano?"

Natinag ako nang marinig kong magsalita si Jacob sa napakasarkastikong tono. Sa kanilang apat, siya ang pinaka-kapansin-pansin ang galit. Hindi siya mapakali at panay ang paroo't parito. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin bago nagsalita.

"Kaya nga ako nagtanong—dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin, Jacob."

Umiling-iling pa siya pagkatapos kong sabihin iyon.

Pagkatapos no'n, sinalubong niya ang aking tingin at binigyan ako ng nakakalokong ngisi. Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang inuupuan, hindi inaalis ang tingin sa akin. Nadagdagan ang tensyon sa loob ng silid.

"Alam mo ba kung ano ang nangyari sa mga naunang plano, Hermano?"

Napatingala bigla si Lucargo nang marinig ang sinabi ni Jacob.

"Palpak. Lahat ng mga naging plano ay pumalpak, Jacob."

Sagot ko sa mapang-uyam na katanungan ni Jacob, habang ang paningin ko ay nakatutok sa matatalim at nagtatanong na mga mata ni Lucargo. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkukuwento, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nasaksihan ko ang pagbabago sa kanyang ekspresyon—mula sa matalim at walang emosyon, hanggang sa maging purong galit at paninisi. Bigla siyang nagsalita.

"Wala man lang akong nabalitaan. Mahusay."

Sarkastiko ang kanyang sabi, at bagama't walang sigaw ng galit, ramdam sa tono ng kanyang pananalita ang pinaghalong sarkasmo at awtoridad.

"If that is the case, what's the purpose of this stupid meeting?"

Pinasadahan niya ng tingin ang lahat ng naroroon. Napamaang ako sa loob ng aking isipan, nang muling bumalik sa akin ang malamig na mukha ni Lucargo.

"I bet all of you here know the current..."

Sadyang binitin niya ang nais sabihin, saka pinagdikit ang mga palad na parang isang mortal na nananalangin.

"Failure. My bad—event of failures. Isn't it, Hermano? Jacob?"

Mapang-insulto ang tanong niya, hindi pa rin nagbabago ang walang emosyong ekspresyon sa mukha.

"And it's obvious that you were both proud of that. Disappointing. Indeed, very disappointing on my part. Isn't it? My bad. I know for both of you it was an achievement."

Nakatanggap siya ng matatalim na tingin mula sa akin at kay Jacob, pero hindi siya natinag. Nagsalita si Jacob.

"So you're saying we would love to see this organization fail? That we want to see it vanish slowly, Lucargo?"

Tanong ni Jacob, sa isang nakakainsultong tono. Biglang napalitan ng nakakalokong ngisi ang kanina'y seryosong mukha ni Lucargo.

"How come you heard those words from me, Jacob? I didn't even hear myself say them."

Umigting ang panga ni Jacob. Kahit ako'y nakaramdam ng matinding galit. Hindi man diretsahan, may ibang kahulugan ang kanyang mga sinabi.

"Iyan ang naintindihan ko sa mga sinabi mo, Lucargo. Apektadong-apektado ka ba sa mga nangyari? At ngayon, kami na lang ni Hermano ang mapagbubuntunan mo ng sisi?"

Umiling-iling ang ilan naming kasamahan sa mesa. Akmang magsasalita na ako, pero pinigilan ako ng aking kaharap. Bago pa man ako makapalag, nangibabaw muli ang malamig na boses ni Lucargo.

"I thought you were smart, Jacob. I was wrong. I made my words simple, but you didn't catch it—both of you. Besides, what exactly happened?"

Inilibot niya ang kanyang tingin sa aming lahat—nagtatanong, nananakot. At sa bawat pares ng matang kanyang tinitigan, makikita mo ang respeto at takot. Ramdam ko ang awtoridad na ngayon lang niya muling ginamit.

Pagkatapos ng ilang taon. Ngayon niya lang naisipang gamitin, turan ko sa aking sarili. Iwinaksi ko ang kaba. Sa muling pagsasalita ni Lucargo, dama ko ang nakakapangilabot niyang presensya. Tumindig ang balahibo sa batok ko, pero hindi ko ito ipinahalata.

Sa unang tatlong segundo'y nanatiling tahimik ang silid. Walang gustong magsalita. Pero binasag ito ni Jacob—tumikhim siya bago nagsimulang ilahad ang mga nangyari. Mula sa walang ekspresyon ni Lucargo, naging nanlilisik ang kanyang mga mata nang marinig ang bahaging hindi namin lubos maintindihan kung paano ito nangyari. Ngunit matapos marinig ang lahat mula kay Jacob, naglaho ang galit sa kanyang mga mata—napalitan ng determinasyon.

"Now that the first plan failed, we can't afford to commit another failure."

Tumango kaming lahat sa sinabi niya.

"I have a plan in mind. This one will surely make our targets' guard down."

Aniya. Muling nagsalita si Jacob.

"Kailangan makakilos na tayo agad, upang masiguro nating mapupunta talaga siya sa atin."

Napangiti ako sa narinig ko. Hindi ko inaasahang magsasalita si Isaac, dahil likas sa kanya ang pagiging tahimik. Pero mas nagulat ako sa kanyang sinabi:

"The target killed the eyes and also killed the buds without remorse. The target is already making its move. We better be more than ready."

Paano niya nalaman? B–bakit—

"Hermano, tell Laura to ready her coinage. It will become very handy this time. Isaac, tell your brother to extract some of his scent—we need it."

Tumango ako kay Lucargo. Ganoon din si Isaac. Alam ko na kung anong magiging takbo ng plano ni Lucargo. Masasabi ko nang ngayon pa lang—babagsak siya. Wala na siyang kalaban-laban sa amin. Wala pa mang nangyayari, alam naming kami ang magwawagi sa huli.

Muling nakuha ni Lucargo ang aming atensyon nang ipagsiklop niya ang kanyang mga palad, may guhit ng ngiti sa labi, sabay sabing:

"This time, we will see the downfall of our target. I will witness this enticing plan with my very own eyes."

More Chapters